on Thursday, June 30, 2011


Kailanman... Hindi magandang dahilan ng PAGSISINUNGALING ang sabihing ayaw mo masaktan ang isang tao. Para sa'kin... duwag kang panindigan ang totoo... o talagang ayaw mo lang siyang masaktan... either way... DUWAG ka pa din. ^_^



Somebody asked me how is it that after all that I have been through... I could still say that I'm gonna love again...

Then I told HIM... "If you could love someone for 6 years and not see any other guy BUT HIM... chances are... YOU ARE BOUND TO OUTDO YOURSELF the next time that you're going to love someone... And that means YOU'RE GOING TO LOVE MORE... more passion... more intense... more profound than what you have just gone through... The 6 years will be just be a tiny comparison to FOREVER... I refuse to think that I won't get BETTER... I WILL... WATCH ME"


I just hoped I was able to answer him... And made you think about ALL OF IT. ^___^


Ang mga tunay na kaibigan... hindi mo masusukat sa kung paano ka nila susuportahan sa mga MALING BAGAY na gagawin mo... masusukat mo yun sa kung paano ka nila SALUNGATIN at ipapahayag sa'yo kung ano ang TAMA. At kapag pinagpatuloy mo pa din ang MALING GINAGAWA MO... masusukat mo din yun sa kung paano ka nila DAMAYAN sa panahong pinagsisisihan mo na ang mga MALING yun.


Eto magpakaEMO tayo. Naisip ko dati na kaya sinadya ng Diyos na ilaan sa MADALING ARAW ang SUNRISE... ay dahil sa sobrang ganda nito... hindi naman pwedeng araw araw... eh mararanasan natin 'to. May mga araw na tulog ka pa... meron din namang gising ka na at pinagmamasdan ang KAGANDAHAN nito.



HINDI MO kasalanan kung parati MO naiisip ang TAMA... at parati N'YA naiisip ang MALI. ^_^



"I guess if you're gonna have FAITH, you can't just have it when the miracles happen... You have to have it when they don't." - Layla (SuperNatural)


May nakasalubong akong guy kanina... bigla ba naman akong KININDATAN. Napaisip tuloy ako... kung paano ba nagsimula ang KINDAT. Hm...

Ito ba ay nagsimula sa pamamagitan ng pagGAYA sa SHUTTER NG ISANG CAMERA? Yung parang... kapag may nakita kang MAGANDA SA PANINGIN mo... eh... OKAY... Smile... SABAY KINDAT. Ahem... Humaba tuloy ang dati ng mahaba kong BUHOK. =P


MAD SCIENTIST PARADOX: Kung ang scientist nakadiscover ng Time Travelling Machine (wormhole)... tapos bago siya pumasok sa wormhole ay inassemble muna niya ang pistol... then pumasok siya sa wormhole... tapos pinatay niya ang sarili niya sa past... PAANO yun? SINO ANG PUMATAY SA KANYA kung habang binubuo pa lang niya ang pistol... ay may pumatay na sa kanya? Hindi naman niya mapapatay ang sarili niya kung hindi pa niya NABUBUO ang pistol diba?


MAGULO na ba? Hahahaha!
Kaya sumasakit ang mga ulo ng cosmologists... dahil sa paradox na'to.


Ang pagSORRY na walang kaakibat na PAGSISISI... Ay parang KAPATAWARAN na hindi mo kailanman dapat KALIMUTAN.

Pero syempre kapag may SORRY at may PAGSISISI... Aba... sino ka para hindi MAGPATAWAD at LUMIMOT?



Sabi ng paborito kong Author... Hindi daw kaya UMIIKOT ang mundo ay hindi lang para magkaroon tayo ng Araw at Gabi... Kundi UMIIKOT din siya para lahat ng tao sa mundo MASILAYAN ang pambihirang galing ng DIYOS na gumawa ng KALAWAKAN... Isang 360 degrees na VIEW yan... mas higit pa sa VIEW mo dyan sa condo mo... mas higit pa sa VIEW mo dyan sa Villa mo sa SANTORINI... ^____^





Sinabi ng nanay ko... kapag panahon daw ng tag-ulan at wala kang payong... Pag-isipan mo daw ng mabuti kong kaya mong buklatin ang 50 pesos mo sa bulsa para itaklob sa ibabaw ng ulo mo... dahil kung ang sagot ay HINDI... Abay ibili mo ang 50 mo ng payong... sigurado... protektado ka sa ulan at hindi mababasa... COMMON SENSE. Yan ang natutunan ko sa nanay ko... ^_^



"CONVENTIONALITY is the refuge of a STAGNANT MIND" - Alexandra Townsende (Favorite Heroine)



PAGMAMAHAL nga bang matatawag ang kunsintihin mo ang isang taong mahal mo sa ginagawa niyang kasamaan? O ang labanan siya sa paraang alam mo para ituwid ang ginawa niyang kasamaan? PAANO KA BA MAGMAHAL? Paano ka ba niya mahalin? Kasi kung mahal ka niya...

HINDI NA DAPAT SIYA GUMAWA NG KASAMAAN PARA SAKTAN KA... Kung mahal mo naman siya... IKAW DAPAT MISMO ANG TUMULONG PARA MAPADALI ANG PAGTUWID NIYA NG LAHAT... Diba ganun dapat yun? Kaya walang puwang ang kasamaan... ewan... Easier said than done...



Naisip n'yo na ba kung paano sila nagKIKISS noon nung wala pang toothbrush at toothpaste? Kahit gaano siguro kasweet si Romeo at Juliet, o Mr. Darcy at Elizabeth o si Samson at Delilah... hindi pa din maikakailang bad breath sila... Ugh... PAG-IBIG nga naman... nakakalimutan ang mga maliliit na details. ^___^


Sa isang LABAN... pinipilit ko talagang gawin ang TAMA... Kahit dehado... Kahit madami nagtutulak sa'yo na MANDAYA... Kapag natalo ako, okay lang... basta lumaban ako ng parehas... Isipin mo ang kahihiyan na NAG-CHEAT ka na nga sa LARO... NATALO KA PA... Double kill.





Mas gugustuhin ko sigurong MATALO sa paggawa ng TAMA... Kesa MANALO ako sa paggawa ko ng MALI... ^_^


(Kung si Tom Welling ang Mali, sige, payag na lang ako)




Ang buhay mo ay parang bolpen... at ikaw ang MANUNULAT. May hangganan ang bolpen... pero meron ka din naman option kung gagagamitin mo pang criss-cross ng buhay ng may buhay... o pwede ka gumawa ng makabuluhan sa bolpen/buhay mo... sumulat ka ng tula... ng istorya... ng sanaysay... para kapag naubos na tinta ng bolpen/buhay mo... may makakaalala sa'yo dahil binasa nila sinulat mo... ang masterpiece mo ika nga. Ngayon tatanungin kita... sa tingin mo... aalalahanin nila ang bolpen na gumawa ng vandalism? HINDI. Echos! Hahaha.


Sabi nila... Hindi raw bagay ang TUBIG AT LANGIS... dahil hindi sila magiging isa... para sa'kin... bakit mo hahayaang mawala ang identity ng bawat isa dahil lang sa gusto mo silang magkahalo? Eh pwede naman silang maging magkatabi lang... magkaagapay... hindi magkahalo... ikaw kapag nagmahal ka at gusto mo siyang kasama... hahayaan mo bang mawala ang identity niya dahil magiging magkasama kayo? Ang drama! ^_^




Bata palang ako... nanonood na talaga ako ng mga PELIKULA dati... Kapag namamatay ang BIDA... akala ko talaga PATAY na siya. Tapos kapag napanood ko ulit siya sa ibang pelikula... sasabihin ko na lang sa sarili ko... ahhh... baka DAPLIS lang pagkakabaril... tapos nagpagaling lang para gumawa ulit ng bagong PELIKULA. Kaya tuloy hindi ako nangarap MAG-ARTISTA.. ^_^


Sa DEBATE, hindi importante sino ang mananalo... ang mahalaga, marinig ng bawat isa ang iba't ibang opinyon ng bawat kampo. WOW. Echos ko. Pero hindi rin naman ipinagbabawal ang PANG-AASAR. Hindi importante kung nasa rason ka... basta mahalaga... MAASAR ang mga tao sa kabila. Ahehehe ^_____^ (From Lope and Ruby)


Ang pamangkin at Tita ay nagusap sa telepono. Pamangkin: Auntie, bili mo naman ako ng shoes, dalhin mo na lang pagkauwi mo galing Japan... Auntie: May mga trabaho na kaya kayo... bakit pa kayo nanghihingi?... Pamangkin (Pabirong banat): Naman... bakit? Kapag may mga trabaho na pala kami... hindi ka na namin Auntie? Hindi mo na pala kami mga pamangkin? Ay Sauce! ^_^

Kapag ang una mong asawa ay namatay at nag-asawa ka ulit... tapos namatay ulit... nag-asawa ka ulit... ganun ulit nangyari... nakaTATLO kang asawa tapos namatay ka na... sa langit kaya papayagan ni Lord na 3 ang asawa mo na naghihintay sa'yo? ^_^



Kaya tayo nagkakaroon ng karanasang umiyak ng dahil sa pag-ibig... dumanas ng ilang break-ups... masaktan sa mga taong minahal natin... iyon ay dahil HINAHANDA tayo ni Lord na kapag dumating na ang TALAGANG PARA SA ATIN... alam na natin ang gagawin... Kaya pag-igihan n'yo ang mga leksyon... dahil parating na siya... nakaJAGUAR. ^_^ Weh. Nabasa ko lang din ito.


Minsan.. gusto ko talaga ang mga bagay maging MAHIRAP... kasi alam ko ang susunod na kabanata ng buhay ay magiging MAALIWALAS. Kasi kapag nasa place ka na na MAGANDA takbo nito... alam mo na susunod na ang UNOS. Kumbaga... kapag nasa RUROK ka na ng tagumpay... bababa at bababa ka talaga... pero kapag nasa ibaba ka pa lang... alam mong may ITATAAS ka pa. ^_^




Sana mabasa n'yo ang SOLITAIRE MYSTERY (Jostein Gaarder, author of Sophie's World)... dahil ito lang ang libro na ang kwento ay may bata daw na nagbabasa ng libro, at sa librong binabasa n'ya may kwento na isang taong nagbabasa daw ng libro... at dun sa kwento ng libro ay meron ding nagbabasa ng libro na ang kwento ay meron ding taong nagbabasa ng libro... at dun sa librong yun... ay nagbabasa din ang bida ng isang librong may kwento din.. KAPAGOD. Basta, may kwento sa loob ng kwento sa loob ng kwento. Yun na!



Naniniwala akong may ibang nilalang sa KALAWAKAN. Kasi...madaming DAIGDIG sa KALAWAKAN... at ang isang daigdig ay napakalaki at napakalawak... Kung tayo lang ang nabubuhay sa gitna ng lahat ng ito... Masyado naman atang malawak para sa atin lang. SAYANG ang SPACE. - Kuha sa Movie CONTACT





Ang KASINUNGALINGAN... para sa'kin... ay INSULTO SA KATALINUHAN ng taong sinabihan mo nito.



Ang relationship, parang SALAMIN yan... kapag nabasag... at pinag-iigihan mong pulutin ang mga piraso para buoin ulit... masasaktan mga daliri mo... magkakasugat-sugat... para ding puso mo.