
May 12, 2011, Makati Desk
Medyo magtagalog naman tayo kasi lingid sa kaalaman n'yo... nagbabasa din ako ng tagalog. Hindi lang tagalog ninuman kundi ni BOB ONG.
Una kong nabasa ang Libro Ni Hudas nya nung nasa kolehiyo pa lang ako. Hindi ko napagtanto na magugustuhan ko siya at ang pagkakaalala ko dati... wala akong ginawa kundi maintriga... makulitan... magandahan din habang binasa ko siya. Naalala ko pa nun nung pinahiram ni Beben Acedillo sa'kin yun libro. Maganda nga daw... isinasaad ni Bob Ong dun kung paano magpakamatay ng maayos. Hindi ko alam na meron palang ART ng pagpapakamatay.
Simula nun... BOB ONG fan na ako. Hindi ako ang fan na tipong kunukuha lahat ng mga sinabi niya at isinalibro 'to... hindi rin ako ang fan na tipong dadalo sa book-reading nya kung saan siya nakadestino... ako ang fan na tipong... pupunta ng National Bookstore... titingnan kung may bago siyang libro... at kapag meron... bibili agad. Walang pag-iisip. Sa halagang Php150, may libro ka na.
ABNKKBSNPLKo?!? (2001) Ito na ata ang pinaka-paborito ko sa lahat ng libro niya. Medyo kapanahunan ko kasi ng skwelahan na puno ng pagkain tuwing recess at ang mga laruang gustong gusto mong ipinagmamalaki sa mga kaklase mo. Napapangiti ako kapag binabasa ko 'to. Kahit paulit-ulit okay lang. Gusto mo lang din kasing balikan yung mundo ng pagkabata kung saan lahat ay MADALI... lahat may SAGOT... Lahat kaya mo sagutin. Ngayon kasi iba na ang panahon... Yung mga sagot dati nung bata ka pa hindi na yun ang sagot mo. Kelan nga ba ikaw nagbago? Ako kasi parang hindi pa... gusto ko pa ding maging piloto. =P
Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? (2002) Seryoso ako kapag binabasa ko to. Lahat ng mga masasama at mabubuting sinabi ng mga banyaga sa'tin... may basehan... masakit pero totoo. Gusto ko 'tong basahin ulit kapag nawawalan ako ng tiwala sa bayan. Yung tipong ang laki ng binabayad kong buwis pero bakit wala akong nakikitang pagbabago? Yung bakit may smoke-belchers pa din na mga dyip? Yung bakit may mga mali pa ding spelling sa bangketa? Yung bakit kulang ang budget sa buong Pilipinas na ipinagmamalaki ni Gloria dati na madami daw Remittances pero bakit may mga tao pa ding nakukulong sa ibang bansa? Bakit talamak pa din sa korupsyon ang bayan? Siguro di ko muna babasahin ang librong ito ulit... andyan naman si Ninoy pansamantala. Hindi ko ibinoto si Ninoy... in fact, hindi pa ako nakakaboto kahit kelan. Siguro isa din yan sa sinyales na wala pa din akong tiwala sa bayan... bayad lang ako ng bayad ng buwis pero alam ko obligasyon ko lang yun.... next time na... kapag may napatunayan na si Ninoy. Tingnan natin...
Ang Paboritong Libro ni Hudas (2003) Para sa hindi nakakapansin, lahat ng chapters ng libro na 'to ay 7 deadly sins. Alam mo ba yun? Wrath, greed, sloth, pride, lust, envy, and gluttony. Ayun. Makikita mo yun sa unahan ng chapters. Not necessarily eh ini-explain ng librong 'to ang nakamamatay na mga kasalanan... pero yung ang tema ng bawat chapter. At dun mo makikita ang listahan ng maayos na pagpapakamatay. Dun mo din mararanasan ang kakulitan ni Bob Ong na una mong nabasa sa ABNKKBSNPLKo?!?. Mapapangiti ka... mapapaisip... marami kang matutunan na mga hindi mo dapat matutunan... pero yun naman talaga ang silbi ng pagbabasa diba? Minsan hindi lang siya libangan... isa sa mga pinakaimportanteng dulot ng pagbabasa... para mamulat ka sa ibang pananaw ng mga tao... na yun hindi lang sarili mo iisipin mo. Dahil... hindi lang ikaw ang anak ng Diyos. Pasalamat ka nga kaya mo pa basahin ang isinusulat ko... yung iba dyan hindi marunong magbasa at di rin marunong magbilang. May gana ka pang magreklamo na miserable buhay mo?
Alamat ng Gubat (2003) Hindi ko inakala na bukod sa pagiging makulit... kaya din palang isulat ni Bob Ong sa pinakasimpleng paraan ng pagpapahayag ng POLITICS sa librong ito. Ito ang kwento ng isang alimasag na napadpad sa ibang bahagi ng mundo para lang maranasan ang iba't ibang aspeto ng pagkamulat... pagkagising... at higit sa lahat... pagiging responsable sa lahat ng bagay na wala si Alimasag dati. Habang tinatahak niya lahat ng pagsubok... natuto siya... mula sa pagiging iresponsable... natuto... tumanda... nagkaisip... Kung kayo eh gaya ni Alimasag, basahin nyo... makulay ang mundo niya... madaming gusto gamitin siya... madami din gustong pairalin ang pagiging gahaman... pero sa huli... ikaw at ikaw pa din ang magdedesisyon.
Stainless Longganisa (2005) Ito ang kwento ng pagiging manunulat ni Bob Ong. Minsan sa isang alamat... kailangan talaga may hirap... may tiis... may pagdadaanan... ito ang pinagdaanan ni Bob Ong. Ang simula ng lahat ng impluwensyang dulot ng internet... ang simula na kasikatan mapainternet at mapalathala sa mundo ng mga libro. Madami din akong natutunan sa pagiging manunulat dito. Mahirap pa lang humanap ng magbabasa ng libro mo... si Bob Ong nga nahirapan... ako pa kaya? Yun na lang ang isipin mo... hindi nakamit ni Bob Ong ang tagumpay ng ganun lang... Siguro nga sa bawat tagumpay... hirap muna ang daranasin mo... Isipin mo na lang na kung gaano kapait ang lahat ng hirap... ay ganun din katamis ang magtagumpay diba?
Pero ayos din yung ginawang pagsakripisyo ng superhero sa buhay niya... pero para sa'kin... hindi dapat. Para tuloy pinakita ni Kapitan Sino na sumuko na siya... alam natin may ibang paraan... bakit hindi ito ang hanapin... para tuloy pinili ni Kapitan Sino ang mas madaling paraan... ibuwis ang buhay niya para maligtas ang sambayanan. Sensya na pero para sa'kin... MADALING paraan ang ginawa niya... para siyang sumuko at hinayaan na lang na mamatay siya. Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay NARUTO... o kay CLARK KENT ng SMALLVILLE... maging nila BATMAN.
Tapos na ang diskusyon... pero masama pa din ang loob ko. Hehehe. Hindi ko kailangan ng trahedya. Siguro talagang isip-bata pa ako pero... para sa'kin... walang tagumpay sa mga sumusuko... kahit nahihirapan ka na... kahit duguan ka na... kahit iniisip mo ang tagal ng lahat ng minimithi mo... hindi ka dapat magpaapekto sa hirap ng dinaranas mo... dahil ang kahirapan tinatahak mo ngayon... isa lang ibig sabihin niyan... wala ka nang ibababa pa... lugmok ka na... isa na lang ang pwedeng mangyari... UMANGAT KA NA. Kaya't sana sa susunod na libro mo Bob Ong... sana makita ko ulit ang dating makulit... seryoso at puno ng pag-asang manunulat na natutunan kong hangaan... simula pa lang ng ABNKKBSNPLKo?!?.
Sana... Dahil ngayon pa naman araw... pupunta ako ng National Bookstore... at bibilhin ko na ang bago mong libro.. Samahan niyo ko? ^___^
Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
0 comments:
Post a Comment