June 20, 2011, Dinnertime, KFC Makati
May sekreto akong malupet. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan ko na dumamay... nagbigay ng advice... mineet ako sa lahat na ata ng lupalop dito sa Pilipinas... Pinagtanggol ako... inaway nang-api sa'kin. Pero si Bella... ANDYAN siya. Kasama ko lagi.... pagpasok ng opis... sa opis... lunch sa opis... pag-uwi galing opis...
Lately lang kami naging close pero ito ang 5 na bagay na napansin ko sa kanya...
1. Challenge. Kapag may binanggit akong *toooot* na topic... di agad humuhusga yan... pinababayaan ako... nangingiti... alam niya kaya ko panindigan ang pagkukwento ko... may tiwala baga na kaya ko nabrought up ang topic kasi KAYA KO. Yung iba... pinapalakas ang loob ko na KAYA KO... pero parang may doubt... si Bella para kang hinahamon... parang gusto niya iparating sa'yo na... "gusto mo pag-usap 'to? Sige, papabayaan kita... KAYA MO naman..." ^___^
2. Empathy. Meron siya niyan. Madami. Hindi niyo napapansin kasi tahimik na tao pero madami siyang nakaimbak na kakayahang UMUNAWA... MAKIISA... MAINTINDIHAN ANG BIGAT NA NARARAMDAMAN MO kapag may problema ka... kapag umaapaw ng saya puso mo... at kapag nangingitngit ka sa isang tao. Kahit di pa niya nararanasan... para siyang nakikiisa kapag mag sinabi kang malungkot... isa yan sa pinakamagandang ugali ng isang mabuting kaibigan.
3. Excellence. Kanino pa ba magmamana yan kundi sa nagturo sa kanya? Si Bryan. Pero seryoso ako nung sinabi ko na ako ang pinakamagaling na estimator at si Dennis ang boss. Masasabi ko na pumapantay si Bella at nag-uungusan kami sa pwesto. Magaling na detailer... magaling ding magestimate. Wala pa akong natatandaang ginawa niya kabalbalan sa buong pananatili niya sa Barlines. Ako MADAMI akong ginawang kalokohan.
4. Projects. May itinatago si Bella na saya sa buhay niya. Hindi lang syempre si Jun niya... pero bukod dun... may mga bagay siyang bagamat hindi niya itinatanggi, hindi rin niya sinasabi. May mga ginawa akong proyekto na pinagiigihan ko na matupad. Gaya ng mga plano ko na magBOOTS, kumanta sa harap ng madaming tao, sumayaw mag-isa... MERON din siyang ganong mga pangarap... pero malamang wala na ako sa pwesto na banggitin ang mga yun. Di ba? Hulaan n'yo na lang.
5. Fun. Kaya ka niyang sabayan sa kalokohan mo. Well, at least sa mga kalokohan ko. Sa lahat ng lakad na magkasama kami, nagagawa ko mga bagay na gusto ko gawin dahil andyan siya at gusto ako samahan. May mga pagkain akong gusto kainin... GAME siya na sabayan ako, kasama parati namin si Jun-Jun. Ang saya, walang inumang nagaganap pero bakit lumilipas ang oras sa'ming tatlo na parang ang bilis naman at umaga na sa MOA. Salamat guys... nag-enjoy ako sa mga lakad natin. =P
Nagplano ako na kuhanan siya ng picture sa natitira niyang araw sa Barlines. Sa sobrang busy namin... hindi ko nagawa... pero may mga araw naman na nagtagumpay kami na makunan ng man lang siya ng pictures kasama ang malalapit naming kasamahan sa trabaho.
Talagang sinama lang namin si Joners para kuhanan kami ng pictures dalawa. ^___^
Mamimiss ka namin ni Jun-Jun. Di ba Joners?
Paano pa kami magdidinner nyan na wala ka?
O pupunta sa MOA?
O Glorietta?
Paano kami manonood ng sine?
Kakain ng DQ?
Mag-aaway lang kami sa sobrang kulit nito. =P
Kung saan ka man Bella patungo, alam ko magtatagumpay ka. Bihira lang ang mga taong pinagkakalooban ng pagkakataon na baguhin ang panananaw ng kapwa niya tao... pero nagawa mo baguhin ang pananaw ko. Isang malaking utang na loob ang nandyan ka lang para makita ko ganda ng mundo... para matutunan ko ulit ngumiti... at para bumalik ang dating sigla na dati meron ako.
Salamat. Wala ka namang binitawang mga pangaral... PERO BAKIT PARA AKONG NATUTO?
0 comments:
Post a Comment