on Saturday, June 4, 2011
June 5, 2011, ala una na

Medyo nasisiyahan lang ako kanina nung tumakbo ako sa Village namin dito sa Sucat. ^__^
I was all dressed-up in my running attire and one thing seems to be missing? Ayun... inabot ni mama pedometer ko.

I bought mine sa SM Moa sa Chris Sports. Although madami silang selection, hindi ako nahirapan pumili kasi syempre, pipiliin ko ang may radio na.

Gusto ko kasi kapag tumatakbo ako, malaman ko ang layo ng itinakbo ko at ilang minuto na akong tumatakbo. Yes, puro takbo ang routine ko... pacing lang naman kasi yan. Bakit naman ako tatakbo ng  mabilis tapos sa unahan eh hinto na ako.

Maganda ang Greenheights Subd kapag tinakbo mo hanggang dulo. Akala ko nun dati, abot na ng isang kilometro ang layo ng labasan sa dulo. 750 meters lang pala. Buti na lang may baon na akong tracker.

Hindi ako bumili ng pedometer dahil gusto ko magpasikat o kaya para tawaging "RUNNER". I am a runner and I don't have to prove it to you. Weh? I guess I could say that a year ago, I went to the gym not to lift weights, I was there to learn how to run and regulate my running. At first kontento na ako sa treadmill... pero mas fulfilling ang running on actual ground than running at the confines of a gym equipment.


Since then, I never miss running every weekends. My sister tags along and I match her pace but at times... I run a little bit more.

Syempre... Kapag tumatakbo ako... blangko laman utak ko. Kaya tuloy kanina, na sobrahan ako at ilang beses binaybay ang Greenheights, 2 times ako bumalik.

Try n'yo tumakbo. Masarap. Nakakawili. Hahanap-hanapin n'yo. ^___^, with that daw hindi lang 3.514 Km ang ginawa ko, it took 5859 steps fo me to do that. I bet mas maunti ang steps kapag hindi ka kasing liit ko.

Pinangalanan ko nga palang PIDO si Pedometer ko. Alam mo na bakit.

=P