on Thursday, June 30, 2011


June 30, 2011, Makati Office

Ito ang mga kuro-kuro ko... Yung iba hango galing sa mga kaibigan ko... Yung iba, galing sa mga nabasa, napagtanto at napanood ko.

 
Ang buhay daw ay parang paglalaro lang ng baraha... hindi daw depende yun sa kung anong hawak mong BARAHA...

depende daw yun sa kung PAANO mo ilalaro lahat ng baraha mo. - Alice



Ang chance na tamaan ka ng KIDLAT ay nasa 1:3million... ang chance na manalo ka sa LOTTO ay nasa 1:5million... mas malaki pa ang chance na TAMAAN ka ng kidlat kesa MANALO ka sa lotto... but then again... CHANCE IS CHANCE. Right?



Dumarating talaga sa buhay ng TAO na kailangan n'yang mamili... hindi din kasi pwede yung nasa gitna ka lang at walang pinapanigan... isipin mong mabuti kung SINO o ANO ang pipiliin mo... dahil parang sugal din yan... may chance na matalo ka talaga... meron namang MANANALO ka... basta TANDAAN mo...

HINDI KA MANANALO kapag hindi ka tumaya.




Kapag hinayaan mo na ang KAPALARAN lang ang gumawa ng paraan para PAGLAPITIN kayo... Hindi mo maipagmamalaki sa mga magiging anak mo na IKAW ANG GUMAWA NUN... dahil wala ka namang ginawa... naghintay ka lang...

Masyado na madaming ginagawa si FATE para iasa mo pa sa kanya ang lahat... minsan... kailangan din niya ng TULONG.



Naisip ko noong bata pa ako na kaya TUMATAKBO ang sasakyan... ay dahil narerevolve ang EARTH... bale standby lang talaga ang kotse at kaya lang nakakaabot sa patutunguhan ay dahil umiikot ang mundo. WEIRD. @_@




Wag kang MAGALIT... GUMANTI ka... LOKO lang. ^_^
 

Mas MAINAM daw na bumitaw ka at tingan mo kung babalik sila... Kesa kumakapit ka at tingnan mo kung bibitaw sila... - Dennis







May mga tao talagang gusto mong IBAON SA LIMOT... at meron din namang gusto mong IBAON SA LUPA. - Jhame

Wala kang KARAPATANG magalit... lalo na kung MALI ka. ^_^

Wag kang magmagaling at mag-asta na parang IKAW ANG TAMA... lalo na sa taong ginawan mo ng MALI.





Hindi porke't MAHAL KA NIYA... eh hindi ka n'ya kayang saktan. - Dennis



Ang nararapat sa mga STUPIDONG tanong... ay mga STUPIDONG sagot din! - Yna


Kung ang UTAK nating mga TAO ay maging sobrang MAKITID na kaya na nating intindihin ang nilalaman at iniisip nito... HINDI KAYA maging sobrang BOBO naman tayo para intindihin ito? - Favorite Philosophy Author ko 'to



Para dun sa mga hindi nasusuklian ang pagmamahal… MAS MASARAP MAGMAHAL NG MINAMAHAL KA DIN Isipin mo na lang bakit ka magtitiis kung pwede naman ikaw maghintay ng susunod mong mamahalin at mamahalin ka din…